"3ow ph0w, mUsZtAh nA?"
"i wuD LLyK tO knOw moR3
bOut u. crE 2 t3ll mE yur N@me? jejejejeje!"
Kung naiintidihan mo to, siguro isa ka na sa na hooked up sa
jejemon. Hindi rin inaakala ng marami na biglaang nauso ito, saan mang panig sa
Pilipinas. Ang mga higit na naimpluwensyahan nito ang mga kabataan na nasa edad
12 hanggang 16. Nakakatuwa at nakakalibang lalo na sa pagtetext at chat, ang
dahilan kung bakit ito ang salitang ginagamit nga mga kabataan ngayon. Mabuti nga ba ang naging epekto nito sa mga
kabataan? Wala naman itong naging epekto sa buhay ng bawat Pilipino, hindi ba?
Ito ang masklap na katotohanan sa likod ng pop-culture. Sa panahon ngayon, may mga kabataang lubhang naimpluwensyahan na ng Jejemon. Sa simpleng usapan, lalo na pag dating sa mga telecommunications. Ang isang kabataan kasi ay dumadaan sa tinatawag na Identity vs. Role Confusion stage. Ito ay sakop ng edad 12-19. Ito ay natural na pinagdadaan ng lahat ng tao. Dahil ang isang kabataan ay naghahanap ng kalulugaran para makilala ang kanyang sarili. Kaya mapapansin natin ang mga kabataan ay mahilig sa kung ano ang nauuso. Dun sila natututong maki-salamuha at magkaroon ng mga kaibigan.
Sa totoo lang, lahat ng mga bagay na nauuso ngayon, ay talagang may mga hindi magandang naidudulot. Isa na ang pagiging Jejemon. Ang Jejemon ang isa sa nagiging hadlang kung bakit ang ibang kabataang Pilipino ay hindi na alam isulat ang tamang salita, mapa-tagalog, o mapa-ingles. Nakakaawa din ang ibang mga kabataan na salat sa edukasyon, ngunit naiimpluwensyahan ng iba. Lumalaki sila na magkakahalong letra, numero at sari-saring simbolo ang naging alpabeto.
Maraming din naging debate tungkol dito. Nagdeklara dati ang gobyerno na puksain ang ganitong klaseng linggwahe pero marami din namang nagtanggol dahil nga sa “freedom of expression” lang ito. May mga guro namang lubhang tinututulan ito,“texting using wrong English and wrong spellings can threaten one’s English competence”.
Ang pagiging Jejemon in terms of education, ay parang pagpapalayo ng tamang kaisipan ng salita. Minsan nakakaapekto din ito ng pagiging loner dahil hindi kana maintindihan ng mga kaibigan o kakilala mo. Nagiging malayo na sila at hindi na kayang masakyan ang trip ng mundo. Minsan sa pagiging Jeje, nagiging dahilan ito ng misinterpretation at misunderstanding,
at dahil modernong mundo, makakatanggap ka pa ng kung anu-anong komento galing sa ibang tao. Pero ano bang mali sa pagiging ikaw na totoo? Kaya kung Jeje ka man, subukan mo ng something na pagbabago, dahil makakatulong ito hindi lang pang-edukasyon, pakikisalamuha, at pagiging bago, para na rin ito sa mas better na ikaw.